Jan 25, 2011

Remington the Movie

OFFICIAL TEASER # 1: 
ZOMBADINGS (Patayin Sa Shokot Si Remington)




Isang pangkaraniwang araw na subsob sa PC at walang ibang ginagawa kundi mag-attach ng files sa email. Binuksan ang Twitter at nabasa ang link ni Mekachi. "Zombadings", na curious ako at sya na ngang na divert sa Youtube Link. Official Teaser ng isang pelikula. Akala ko it was just another normal gay movie. Pero hindi, sa unang mga segundo palang na nakita ko ang malaking X at narinig ko ang Boses ni Odette Khan. Yun na. Siguradong kwela ito. Samahan mo pa ng Roderick Paulate at Eugene Domingo tiyak riot. Pero kakaiba at mukhang sapul ni Mart Escudero ang role nya dito. Based on the teaser, lots of gays and almost naked men. I laughed at 0:35 - 0:38 scene. Sobra! Sobrang  galing mag-isip ng makakaisip ng mga macho devil dancers. hahaha. Pero seriously isa ito sa mga aabangan kong pelikula. Mukhang maganda talaga, ang pelikulang ito na nagmula sa pinagsanib na powers nila Raymond Lee, Michiko Yamamoto, at Jade Castro. 

LIKE Remington the Movie ON FACEBOOK! 
www.facebook.com/remingtonthemovie 

FOLLOW ON TWITTER!
www.twitter.com/remingtontweets

Produced by: Origin8media
www.origin8media.com

Origin8ed by: Raymond Lee
Screenplay by: Raymond Lee, Michiko Yamamoto, Jade Castro
Directed by: Jade Castro


Jan 19, 2011

Alex Calleja and The Comedy Cartel


Pinoy Stand-Up Comedy featuring Alex Calleja


Watch Funny Man Allex Calleja at Votre Bar. 
Wednesday, January 26 · 10:00pm - 11:30pm

Votre Bar
42-A Eugenio Lopez Sr. Ave, Brgy South Triangle
Quezon City, Philippines

Point-of-View, No-insult, Pinoy Stand-up Comedy featuring Alex Calleja 
with James Caraan, Chino Liao, Eri Neeman, Ryan Rems Sarita 
Acoustic performance by Benjie Tech.

ENTRANCE FEE: 100 PESOS


-------------------------------------------------------------------------------
WATCH 
-------------------------------------------------------------------------------


Late Night Stand-up with The Comedy Cartel featuring Alex Calleja


Monday, January 31 · 8:30pm - 11:30pm
Spicy Fingers, Greenbelt 2
Ground Level, Greenbelt 2, Ayala Center
Makati, Philippines

Point-of-View, No-Insult, Pinoy Stand-up Comedy featuring Alex Calleja 
and the rest of The Comedy Cartel

For reservation call 5339316 or 09228596144.
Tickets at P150. 

Jan 18, 2011

Ophiuchus: Ang Ika-13 Simbolo?

Ophiuchus



Pronounced as "O-few-Cus".  Ang Ophiuchus ay isang malaking konstelasyon na matatagpuan sa paligid ng Celestial Equator. Ito ay isang Greek word na nangangahulugang "Serpent-Bearer". Ang Ophiuchus ay isa lamang sa 48 na constellation na nailista ng Astronomer na si Ptolemy noong Ikalawang Siglo, na magsahanggang ngayon ay kasama sa 88 Modern Constellations. Ang Ophiucus ay kilala sa dating tawag na Serpentarius. Ang constellation na ito ay matatagpuan sa mga pagitan ng Aquila, Serpens at Hercules norwest sa bandang center ng Milky Way. Ang bahaging timog nit ay napapagitnaan ng Scorpius, kanluran at Sagittarius, silangan. 



Isang balita tungkol sa pagbabago ng mga Zodiac Signs ang nagbunsod sa maraming tao para magkaroon ng Astrological Crisis. Madami ang nagulat at nagtaka. Madami rin ang nangamba dahil sa pagpapalit ng kanilang nakasanayan na Zodiac Sign. Nagsimula ang lahat mula sa pahayag ng Minnesota Planetarium Society. sa isang interview kay Parke Kunkle, Board Member ng MPS sa Minneaplis Star Tribune ipinaliwanag nito kung paano daw i-formulate ng mga Ancient Babylonians ang mga Zodiac Signs. Dagdag pa ni Kunkle na ang mga zodiac ay ibinabatay sa posistion o lugar ng SUN, kung nasaan itong constellation ayon sa kapanganakan ng isang tao. Iginiit ni Kunkle na sa pagdaan ng mahabang panahon, ang gravitational pull ng Mundo at Buwan ay nakaapekto sa axis ng Earth, kung saan nabago nito ang posisyon ng mundo sa pagtapat sa mga constellations.  


Ipinahayag din ni Kunkle na kung ang pinagbabatayan ang posisyon ng Araw. Hinalimbawa niya ang Pisces, "When they [astrologers] say that the sun is in Pisces, it's really not in Pisces,". Sinabi rin ni Junkle na maaring karamihan sa mga Horoscope readers ay nagkakamali, dahil ibinabatay nila ang pagbasa sa maling Traits o Behavior ng tao base sa ibang Zodiac Sign. Ngunit sinabi rin ni Kunkle na walang sapat na batayan upang magkaroon ng Physical na koneksyon ang mga constellation at traits ng mga tao. 


Ang mga payahag nito ni Kunkle ay mabilis naman kinontra ng ibang mga Astrologers at Astronomers. Madami ang nagsabi na ito ay malaking HOAX at nagpapansin lang ang MPS. Media Publicity , ito ang nakikitang dahilan ng marami sa mga pahayag ng MSP at ni Kunkle. May mga nagsabi rin na ang bagong zodiac na ito ay para lamang sa mga taong ipinanganak simula ag taong 1999. Sa isang artikulo ng LiveScience nuong October 2007, sinuri nito ang mga katanungan kung tama nga ba o accurate ang mga Zodiac signs. Sa artikulong ito, binanggit din ang Ophiuchus bilang ika-13 simbolo ng Zodiac. Sinasabing ang mundo dahilan sa pag galaw nito sa kanyang axis ay naiba na ang posisyon sa tinatapatan nitong constellation. 


"You will most likely find that once precession is taken into account, your zodiac sign is different. And if you were born between November 29 and December 17, your sign is actually one you never saw in the newspaper: you are an Ophiuchus! The eliptic passes through the constellation of Ophiuchus after Scorpius," the article written by Pedro Braganca says.


WOBBLY EARTH AND PRECESSION

The article explains the fallacy surrounding the accuracy of horoscope, saying that a phenomenon called precession has altered the position of the constellations we see today, necessitating changes in the zodiac signs.

"Early astronomers observed the Sun traveling through the signs of the Zodiac in the course of one year, spending about a month in each. Thus, they calculated that each constellation extends 30 degrees across the ecliptic."

Wikipedia defines precession as follows: "Precession is a change in the orientation of the rotation axis of a rotating body. It can be defined as a change in direction of the rotation axis in which the second Euler angle (nutation) is constant.

"In astronomy, "precession" refers to any of several slow changes in an astronomical body's rotational or orbital parameters, and especially to the Earth's precession of the equinoxes."

Ancient astrologers were unaware of the phenomenon called precession. They didn’t know that earth wobbled around its axis in a 25,800-year cycle. "This wobble—called precession—is caused by the gravitational attraction of the Moon on Earth's equatorial bulge."

"Over the past two-and-a-half millennia, this wobble has caused the intersection point between the celestial equator and the ecliptic to move west along the ecliptic by 36 degrees, or almost exactly one-tenth of the way around. This means that the signs have slipped one-tenth—or almost one whole month—of the way around the sky to the west, relative to the stars beyond."

This means that if a person thought her sign was Aries since she was born between March 21 and April 19, she is wrong. "Today, the Sun is no longer within the constellation of Aries during much of that period. From March 11 to April 18, the Sun is actually in the constellation of Pisces!"

Ayon sa Artikulo ng LiveScience ito ang mas 
ACCURATE at TOTOONG petsa ng mga Zodiac.

Capricorn - Jan 20 to Feb 16
Aquarius - Feb 16 to Mar 11
Pisces - Mar 11 to Apr 18
Aries - Apr 18 to May 13
Taurus - May 13 to Jun 21
Gemini - Jun 21 to Jul 20
Cancer - Jul 20 to Aug 10
Leo - Aug 10 to Sep 16
Virgo - Sep 16 to Oct 30
Libra - Oct 30 to Nov 23
Scorpius - Nov 23 to Nov 29
Ophiuchus - Nov 29 to Dec 17
Sagittarius - Dec 17 to Jan 20

Sa kasalukuyan ang Ophiuchus ay hindi parin kinikilala ng karamihan sa mga Astronomers at Astrologers. Kasama narn ang maraming Horroscope Readers at mga taong ayaw mapalitan ang kanilang Zodiac signs. Madmi ang nagsasabi na ang pagpapalit ng kanilang mga Zodiac signs ay hindi naayon sa kanilang traits at nakasanayan. Madami rin ang mga natuwa sa pagkontra ng marami sa sinasabing 13th Zodiac sign, ilan dito ang mga taong nagpa-TATTOO ng kanilang mga Zodiac nuon, na sa kanilang palagay ay hindi nila dapat palitan. Madami rin ang nagsasabi na hindi ito makaka-apekto sa kanilang nakasanayan at hindi sila papayag na mapalitan ito. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------



Ang Ophiucus ay sinasabing ginagamit bilang ika-13 Zodiac sign sa Sidereal Astrology , ang Ophiucus ay kasama sa IAU Constellation Boundaries (International Astronomical Union), matatagpuan sa bandang likod ng araw sa mga panahon ng November 29- December 17. Matagal nang iminungkahi ang idea ng ika-13 Zodiac Sign, nag-originate ito noong 1970 mula sa suhestiyon ni Stephen Schmidt ng 14 na zodiac sign kasama na ang Cetus. Muling nagkaroon ng mukhahi na isama ang Ophiuchus bilang ika-13 Zodiac sign noong 1995 mula kay Walter Berg at mark Yazaki, ang suhestiyong ito ay naging popular sa Japan ngunit hindi tinanggap ng karamihan ng mga Sidereal Astrologers at Tropical Astrologers, kasama na dito ang mga gumagamit ng Sun Sign Astrology.  

Sinasabing ang Ophiuchus ang ika-13 simbolo sa Greek Zodiac sign. Hindi katulad ng iba at mga naunang simbolo ng Zodiac, Ang Ophiucus ay sinasabing i-binase sa isang nilalang noong 27th Centrury BC sa Ancient Egypt isang lalaki ang nagngangalang Imhotep. Si Imhotep ay kilala sa Ancient Greek Bilang "Aesclepius". Isa sa mga abilidad ni Imhotep ang pagpa-pagaling o pangga-gamot. Ang Ahas na simbolo ay magsahanggang ngayon ay ginagamit parin bilang simbolo sa propesyon ng medisina, ang parehong propesyon na isinabuhay ni Imhotep.  Ayon naman sa Roman Era mythology si Ophiuchus o mas kilala bilang Aesclepius, bilang isang mangagamot ay sadyang napakagaling sa medisina, na kinalaunan natuklasan niya ang sagot upang humaba o magkaroon ng walang hanggang buhay ang tao. Upang maiwasan na maging immortal ang mga tao, ginamit ni Zues ang kanyang kapangyarihan upang tamaan ng kanyang kidlat si Aesclepius. Ngunit kinalaunan inilagay ni Zues ang imahe ni Aesclepius sa kalangitan bilang pagpupugay sa kanyang kontribyusyon at kagalingan sa medisina. 




SANGGUNIAN/SOURCES
Credits to Google Image Search.
No Copyright Infringement Intended.

Jan 6, 2011

MGA BAGAY AT PANGYAYARING GUSTO KONG MAKITA AT MARANASAN BAGO AKO MAMATAY

Panimula: Ilang beses na akong nagkakaroon ng Bangungot o yung mga tinatawag na “NIGHTMARES” nitong mga nakaraang araw. Marahil dahil sa pagod. Ang totoo , ilang buwan narin akong at pinapahirapan ng aking INSOMNIA. Halos lampas isang taon na ng lumala ang insomnia ko Marahil bunsod ito ng mga pagyayaring nakakapagpabagabag sa aking diwa at isipan. Depression marahil, mula noong ako ay magdaan sa pinakamasakit na yugto ng aking puso at buhay. Mula noon hindi na ako makatulog ng maayos sa gabi. Swerte na kung nasa 3 o 4 na oras ang tulog ko. Minsan swerte akong nakakahimbing sa hapon, minsan sa gabi. Ngunit tuwing ako ay papalaring makatulog. Ako naman ay binabangungot. Bangungot na hindi mayroong mga halimaw at dragon, o mga impakta sa banga at kagubatan kundi yun pakiramdam na hindi ako makagalaw at makahinga, kahit bukas ang iyong diwa at nakikita mo ang mga bagay sa paligid. Minsan na akong binangungot noung ako ay nasa kolehiyo, nakita ko ang isang liwanag. May tumatawag sa akin. Papalapit na ko dito, ngunit naalala ko ang aking mga mahal sa buhay. Kayat pilit kong ibinalik ang sarili sa mundo. Hindi ka man maniwala, pakiramdam ko namatay ako nuon at nagbalik. Ngayon, muling bumabalik ang boses at ang liwanag. Iniisip ko, marahil isang araw. Hindi ko na kayanin at akayin nako nito. Kayat bago ang lahat, bago ito maisakatuparan (wag nman sana). Ito ang mga bagay na nais kong matupad bago ako muling makipag-batian ng “hi” at “hello” sa liwanag at makipag-apir kay kamatayan.

——- Maipagpatayo ko ng Bahay sila Ama at Ina.


——- Makita ang loob ng MALAKANYANG


——- Makipagreunion sa Elementarya at Hayskul, at sapakin ang mga dating nam-bully sa akin.


——- Gayahin ang buhok ni Rey Valera o kaya kay Ka Feddie Aguilar.


——- Makita ang Batanes


——- Makapunta sa New Zeland


——- MAKAPAG-ASAWA.


——- Humingi ng Authograph kay Pepe Smith (may kasama pang picture)


——- Makitang may Disneyland narin sa Pilipinas


——- Matapos ang ginagawa kong Libro. (serious book ito, naniniwala ka?)


——- Matalo si Pacquiao ng boksingerong hindi taga Mexico, kundi ng isang taga Zimbabwe


——- Makita ang mga Ex girlfriend ko. Humingi ng sorry at mag pasalamat.


——- Magkaroon ng 6 na anak. (girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy)


——- Lumuwag ang MRT


——- Makita ang sarili sa lahat Pahayagan (meron na ako sa Manila Bulletin, Pangalan nga lang : Sa Phil. Star, may kasamang picture, Article pa ni Tim Yap.. hehe


——- May Makahuli si Osama Bin Laden


——- Magkaroon ng asong hindi mamatay pag tungtong ng ikalawang taon (dedbol lagi si bantay, malas ata ako sa asong askal eh) Sino may pure breed? Penge?


——- Magkaroon ng mall sa Payatas.


——- Pumayat (para naman gwapo ko sa loob ng kabaong)


——- Makasayaw ulit sa Cultural Center of the Philippines


——- Makaupo sa Lap ni Santa Clause


——- Masimento ang kalsada samin


——- Malamang may isang tao sa mundong nakakaintindi sa utak ko


——- Magkaroon ng BEST FRIEND (na girl)


——- Makasakay sa Titanic


——- Maglaro parang bata.


——- Humiga sa damuhan habang nakatingala sa mga butuin habang kasama ang minamahal


——- Makapag aral ng Abugasya (sana magkapera, ang mahal eh)


——- Makatikim ng buko Pie sa itaas ng MT. Makiling.


——- Lumabas sa pelikula (kahit extra)


——- Makakita ng Pagong (si Pong)


——- Makapasok sa Araneta Colosseum


------- Manalo sa Palanca o kahit anung Patimpalak sa Pagsulat


------- Makasakay sa Ambulansya, may Wang Wang


------ Makita ang kaibigang si Kristine Rivera. (kung sino man ang nakakakilala pakiusap paki  sabi hinahanap ko sya.. please please please)


------ Makitang Malinis ang Ilog Pasig. Makalanggoy at magtampisaw dito.


------ Higit sa lahat maniwala kang seryoso akong tao.




Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended