Dec 10, 2010

Naglahong Isda Muling Nakita

AP- Photo from Kyoto University

TOKYO JAPAN --- Isang natatanging isdang Hapon, isang uri Japanese Salmon na pinaniniwalaang naglaho mga 70 taon na ang nakakalipas ang natagpuan kamakailan. Isa itong isda na mukhang Bangus pero may mga matatalas na pangil ang sinasabing naninirahan noon isang lawa sa Northern Akita, ang pinaniniwalaang naglaho noong 1940 matapos tumaas ang acidity level ng lawa dahil sa isang Hydro Electric Project. 

Ang mga isdang Kokanee o Kunimasu sa Japanese ay natagpuang malusog at buhay na buhay sa isang lawa sa tabi ng Mount Fuji. Bago pa man maglaho ang isang ito sinasabing pagtatangkang inilipat sa Lake Saiko 100,000 itlog nito para maiwasan ang tuluyang paglaho nito, ngunit sa mga unang pagsisiyasat, inakalang hindi nabuhay ang mga inilipat na itlog ng astig na isdang ito. Ayon sa isang proffesor mula sa Kyoto University, natagpuan nila ito sa Lawa ng Saiko. Ayon sa Japanese Environment Ministry, kasalukuyan padin na nasa listahan ng EXTINCT SPECIES ang Kunimasu at kailangan pang i-verify ang ulat sa pagkakatagpo dito at mai-update ang listahan na naka-schedule sa taong 2012

Sa iyo isdang mukhang bangus na may astig na mga pangil.. Yeah.. Mabuhay ka!


No comments:

Post a Comment