TSIKBOY
Ni Hedel A. Cruz
Credits to Google Images
Meron akong kaibigan
sa kababaihan ay gahaman
Gusto lahat ay matikman
Hanggang sa kailaliman
Siya ay gwapo daw
Sabi ng mga babae
Kung manamit ay grabe
Kung ngumiti eskaparate
Laging pinagyayabang
sino ang gwapo sa barkadahan
Siya lang ang bukod tangi
Kami’y mga sidekick lang ang ngiwi
Siya ang naging syota
ng dati kong niligawan
pagmamalaking “mas” siya sa akin
sobra sa hangin
Itong aking kaibigan
lubos ang gahaman
syota nya’y sa kama siya ay ayaw pagbigyan
Naghanap ng iba sa lugawan
Buti sana kung pirmihan
Ngunit pang bababae ay kataksilan
Kunwari ay api sa higaan
Dahil di sya mapagbigyan
Sa likod ng binibini
Umeeskapo ang arte
Kung makipaglandian daig ang higante
Maliit naman ang bagahe
Pumunta kami sa Bar
naghanap ng matitikman
Inalok ng inumin
sakin kinuha ang bayarin
Kay lakas ng dating
Wala naman pang breakfast kung tutuusin
kinakaya kaya ang kaming kanyang kaibigan
Kala kami ay walang hangganan
Itong aking kaibigan
Pala-kaibigan nga naman
Habol ay chicks at tsikinini
Hiwaga ng mani
Minsan akala ko ay nagtino na
Nagyaya ng usap sa harap ng simbahan
Sabiy magpapatiwakal
Papansin lang pala ang kahibangan
Meron akong kaibigan
Sobra sa kayamanan
Kayamanan ng kayabangan
Sa kolehiyo napagiwanan
Huling balita ay di na nag-aral
Call center boy ay napagdiskitahan
Dose mil ang swelduhan
Finance Officer ang pinagyayabang
Itong aking kaibigan
mundo ata ay kabulukan
Kung ano ano ang sinasabi
Sa mga di nakakaalam ng tunay nyang pagkalalaki
Itong aking kaibigan
Sobra sa kahambugan
Tiwala sa sarili ay kay taas
Sa pag graduate naman di nakalampas
Waring itong kaibigan
Hindi na nagbalik sa skwelahan
Hindi pinagpatuloy ang pagaaral
pagyayabang sing tamis ng arnibal
Ayaw nyang ipakita ang tunay na mukha sa madla
Marahil sa dami ng taga hanga
Ayaw nyang sya’y madapa
Sa mga nakakakilala palalo sya at sugapa
Nagkaroon kami ng usapan
ng sagutin sya ng minsan kong niligawan
Luha ay wag sanang ipapatak
Kundi ako ang sasapak
Itong aking kaibigan
Sa akin ayaw nang magparamdam
Ang atrasoy ayaw bayaran
Pagpapaluha sa minsang minahal
Meron akong kaibigan
Kagwapuhan pinagyayabang
Ang mga nakikipagkilala naman kung minsan
Fans ni Jolina at mga kabaklaan
Tuwang tuwa twing napapansin
Lumalaki ulo abot hanggang hangin
Di naman makaporma sa amin
Dahil alam namin ang totoong nyang hangarin
Meron akong kaibigan
Malaking kalokohan
unti unti nang naliliwanagan
mga tao sa kapaligiran
Itong aking kaibigan
hindi inggit ang nararamdaman
Itong aming kaibigan
sinusuka ng kalamnan
Itong aming kaibigan
Wala na kaming paki-alam
sadya na kaming nasa hangganan
Lamat hindi na matapalan
No comments:
Post a Comment