Sep 6, 2010

Ang Inyong Kwentista

Ang Inyong Kwentista

Credits to Google Images

            Ito na marahil ang simula ng aking tuluyang paghabi ng aking kakayahan. Ang paghahabi ng ibat ibang kwento at pagsaaad ng ibat ibang pangyayaring matagal ko nang gustong ikwento. Ayokong makilala bilang manunulat, iyon ang katotohanan. Kayat ayaw ko ring maging isang manunulat. Mas gusto kong ako’y makilala bilang isang taga kwento. Isang kwentista kung tutuusin. Ngunit ano ba ang pagkakaiba nuon. Parehos lang din naman kung ating iisipin.Simpe lang, madaming mga bagay sa mundo na hindi lang sa pagbasa nauunawaan at nakikita. Bilang isang kwentista ayaw kong makahon ka lamang sa iyong mga binabasa at babasahin. Napakalaki ng responsibilidad ang nakapatong sa bawat balikat ng sinu mang gustong magkwento. Nariyan ang katotohanang maari kang hindi paniwalaan ng iyong mga kausap. Maari kang hindi maintindihan. Nariyan ang banta ng pagiging mababaw at walang laman. Walang bigat. Ang kaibahan ng pagsusulat sa pagkwekwento ay maliit kung tutuusin. Isa lang ang nais ko mangyari, sa pagsusulat kasi, ikaw ang magbabasa, ikaw ang bahalang mag-imagine, ikaw ang bahalang lawakan ang iyong natatagong brain cells. Kailangan mong pakilusin at utusan ang milyong milyong neurons mo sa utak para gumana. Para maintindihan ang iyong mga binabasa. Sa pagsusulat, at sa pagbabasa ikaw ang gumagawa ng sarili mong mundo. Pinapasok mo ang bawat sulok at eskinita ng mga tagpo at kwento na iyong binabasa. Maari kang maging prinsea, detektib, abogado, superhero, isang kenkoy, isang sawi sa pagibig. Psycho killer, biktima ni psycho killer, pulis na hahabol kay killer. Pwede kang maging presidente (basta hindi yung mahilig sa sugal o maliit na may nunal sana ang iyong pangarapin). Maari kang maging kapre, enkanto o makisig na prince charming. Ngunit sa pagkwekwento iba. Isa lang ang magandang tanong jan. Matapos mong maging at pumasok sa mga mundong nabasa mo, ano ang mangyayri pagkatapos? Happily ever after? Tragedy? Comedy? At kung ano ano pa.? Simple lang, bilang isang kwentista, ayaw kong ikaw ang papasok sa mundong iyong mababasa. Dahil ang pagkwekwento ay isang malaking responsibilidad. Na maiparating ang gusto at nais ng bawat may akdang mensahe sa tao. Sa aking kwento. Hindi mo kailangan isiping ikaw ang bida, kontrabida, supporting role, o extra. Dahil ikaw talaga yun. Ikaw na ikaw. Gusto kong ikwento ang mga bagay na marahil alam mo na, marahil gasgas na sa pandinig at pagbasa. Pero hindi mo ninais o sinubukan man lang alamin at intindihin at alamin ang tunay na likod mundong nakapaloob dito. Ito ay hindi ko lang kwento. Ito ay kwento mo. Kwento nating lahat. Kwento na marahil, nakalimutan mong basahin, pero ang totoo ito ang nangyayari sa iyo ngayon. Nangyari sa kahapon at mangyayari sa kinabukasan.

Ito ay mga kwento ng bawat tao. Mga kwentong alam nating nagyayari, pero hindi natin lubos na iniintindi. Dahil wala naman naglalakas loob na pakinggan ito. Kung magiging kwentista ako at walang gustong makinig, hayaan mo lang. Kapag nakulitan sila, makikinig at makikinig din yan. Naalala ko tuloy yung sinabi ng kaibigan ko. Sabi nya, mas masarap makipagkwentuhan sa mga taong walang pera. Naniniwala ako dun, hindi lang dahil sa wala din akong pera, hehe. Kundi dahil, madalas, sila na walang pumapansin ang may mga magandang sanaysayin. Mga kwentong marahil alam mo. Pero hindi mo naman binibigyan ng pansin dahil di mo pa naranasan ito. Paano mo nga ba mararamdaman kunwari ang kwento ng isang nag-agaw buhay. Kung hindi mo pa naranasan ito. May ibang dating kapag yung naririnig mo, nakakarelate ka dito. Kung hindi mo man ma-gets, dapat maintindihan mo. Mas masarap magkwento, dahil personal ko itong naihahatid sa iyo. Hindi lang ako ang kwentista sa mundo. Maaring ako ang Nanay, Tatay, Lolo, Lola, kapatid, kapitbahay mo. Makikita mo ako sa lahat ng sulok ng mundo, nakakasalubong mo araw-araw, nasa kanto, sa loob ng bar, presinto, kargador, tindera, maarteng sosyalera, estudyante, promdi, taong grasa. Mas masarap magkwento. Kesa magsulat lang ng kung anu-ano. Dahil sa mga kwento, lubos kong nadarama ang tunay na kahulugan ng buhay.

HINDI LANG ITO BASTA MGA KWENTO. DAHIL ITO ANG BUHAY MO.
ANG BUHAY NG BAWAT TAO.

No comments:

Post a Comment