Dec 25, 2011

Seryoso. Pramis!!!

Seryoso. Pramis!!!
Hedel Cruz




Hindi ako mataba, malusog lang. Malaki man ako, hindi ako lampa. Kahet hamunin mu ko ng takbuhan, mauna ka man mas matagal naman ako bago huminto. Dati akong mananayaw sa entablado, umaakyat ng bundok, nagbi-bike at weight lifter. nagtry dn ako magdragon boat, at marathon. 3 beses ko din inikot ang mula antipolo-marikina-antipolong lakad lang. Humanda ka pag sinipag ulit ako, sa ngayon cge tumawa ka muna. pero pag bumalik na dating katawan ko, pustahan maglalaway ka ng todo.

Dec 15, 2011

MINSAN

MINSAN


Hedel Cruz



Minsan mapapaisip ka, 
worth it ba talaga, 
ang lahat ng ito? 
tapos bigla nlng 
kukurutin ka ng konsensya. 

Ilang taon na lng 
ang itatagal ko sa mundo. 
Wala pa akong nagagawa 
para mabago ito. 
Kahit paano, 
sana sa mga taong 
nakasalamuha ko, 
kahit konti. 
sana meron. 

Kung wala Sisimulan 
ko sa mga pagbahagi ng kwento. 
Baka sakali, 
sa maliit na paraan. 
Baka, baka, 
baka gutom lang ito.


Dec 10, 2011

Genie

Ang Mahiwagang Genie
by Hedel A.Cruz





Isang araw may isang lalaking nagbabsura ang nakapulot ng isang lumang takure. Kiniskis niya ito at may lumabas na maraming usok. Nang mahawi ang usok lumabas ang isang genie. Cute na cute, may bigote kamukha ni Val Sotto pero chubby.

Isa akong Genie, salamat at pinalaya mo ako sa pagkakakulong ng mahabang panahon mula dyan sa takure. Lintik na mangkukulam kasi yan, hindi matanggap na nagbreak kami kaya kinulong ako. Ikwekwento ko pa sana sa iyo ang aming love story pero magpapaysbuk pa ako. Kailangan ko pa palitan ang aking relationship status.

Totoo ka ba?, tanong ng lalaki.

Hindi, hindi ako totoo, joke time lang ito. Malamang totoo ako. Ano akala mo prank joke lang ito ng Wow Mali. Adik ka ata eh. Paano naman ako magkakasya dito sa Takure?

Wag mo akong sasaktan.

Tanga, genie ako hindi demonyo, saka ano mapapala ko kung saktan kita? Gawain yun ng pulis, tanod at gobyerno. Baka mawalan sila ng use sa mundo.

Anong gusto mo sakin?

Dahil pinalaya mo ako, bibigyan kita ng isang kahilingan. Maari mong hilingin ang kahit ano, basta bawala ang kayamanan, bahay, lupa, at material things. Dapat ang wish mo ang magiging simula ng pagbabago ng iyong buhay. Dapat for the better good ng iyong buhay, bayan o pagkatao. Pero gaya nga ng nasabi ko bawal ang materyal saka ng World Peace.

Bakit hindi pwede ang World Peace?

Para mo naring sinabi na pwedeng maging giant ang bulate. Imposible kasi ang world peace. Magagalit si Lord. Binigyan niya kayo ng Free Will. Dapat kayo gumawa nun. Tao ang sagot sa problemang yun. Hindi genie.

Ang korni naman nun. Hindi na nga pwede ang world peace. Tapos hindi pa pwede ang kayamanan. Ano namang hihilingin ko, eh ang magiging better good lang naman sa buhay ko kung magkakaroon ako ng limpak-limpak na salapi.

Hindi pwede yun, kasi may bagong rules na ang mga genie. Madami kasing humihiling sa mga genie ng wealth and fame. Kaso dahil nga likas na sakim ang tao, madali rin itong nawawala. Mas mabilis pa sa fast break ni Kobe Bryant kung magwaldas. Wala pang isang taon. Naghihirap ulit. Dati may humiling sa ka-brad ko, matanda, humingi ng ginto at mga babae. Ayun inatake. Patay. Yung iba naman sa sobrang yaman, nakidnap.

Eh ano namang hihilingin ko, kung di pwede pera. Matanda nadin ako, walang pamilya. Luge naman ako kung pagiging healthy hilingin ko. Eh sa kapal ng usok at sa dami ng tira-tirang chicken joy na kinakain ko, mabilis din akong medededz.

Madami ka naman pwede pang hilingin, tulad ng dunong, trabaho, maging maputi at matibay lahat ng ngipin ng tao, pero malamang patayin ka ng mga dentista dahil mawawalan sila ng trabaho.

Eh kung immortality kaya?

Bawal din yun, maliban nalang kung gusto mo ding maging genie. Pero bilang newbie, sa bote ng toothpaste ka ikukulong.

Ang hirap mo naman maging genie. Tapos Isa lang ang hiling na pwede.

Ang dami mo namang arte. Bibigyan ka na nga ng wish. Bilisan mo manood pa ako ng TV. Nahanap na daw si Elisa eh.

Nagisip ng mabuti ang lalaki. One Wish. One Wish.

Alam ko na. Gusto ko ng trabaho. Pero gusto ko yung palagi akong nakakapunta sa malalayong lugar, yung nakakatravel ako. Pero mas madalas naka-upo lang ako. Tapos mabilis ang pasok ng pera sa akin. Minu-minuto dumadaan ang madaming pera sa mga palad ko.

Hmmmm. Sigurado ka na ba sa wish mo.

Bakit may mali ba sa wish ko? O ayan yung wish ko hindi materyal. Trabaho, para sa ikauunlad ng buhay ko. Pagpapaguran ko ang mga salaping dadaan sa aking mga palad. Paghihirapan ko din naman yun.

Sige tutuparin ko ang wish mo. Bibigyan kita ng Trabaho. Makakapunta ka sa malalayong lugar. Makaka-travel ka. Mabilis na papasok ang pera sa iyo, kahit naka-upo ka lang dadaan sa iyong mga palad ang pera bawat segundo, minuto. Oras-Oras. Your wish is my command.....

Poof!!! Natupad ang wish ng lalaking Basurero.

Isa na siya ngayong Jeepney Driver.

Dec 3, 2011

Si Inday na walang Malay

Si Inday na Walang Malay
Hedel A. Cruz


Ako si Inday
Si Inday na Walang Malay
Inday na palaging may among mataray
Oh, bakit ganito ang buhay.

Kami yata ang pinaka-api
Sa Pelikula man o T.V.
Laging Background sa tabi
Madalas wala pang linyang sinasabi.

Palagi nalang "Yes Mam, Yes Madam"
"Yes Sir", "Ano po yun Senyora?"
"Wag po! Wag Po! Senyorito"
Madalas nakaka-init talaga ng ulo.

Tuwing kainan lang kami nakikita
May dalang Juice o Kape sa Tasa
Kung minalas-malas pa
Yung unang binabaril ng masamang tao.

Laging eksena sa kusina.
O kaya sa kalsada, Tsismosa.
Binabatukan ng Bida.
Laging Puntong Bisaya, Ano ba?!

Kami na laging tinatawanan
Kasi role namin laging ekstra lang
Kahit pa naka-uniporme ng magara
Kami laging bale-wala.

Kung hindi naman pinagtatawanan
Kami naman ay laging nilalapastangan.
Paanakan ng amo.
Madalas naka-bukaka, Ginagahasa.

Kapag panget na Inday.
Yun yung laging tinatawanan.
Kapag maganda naman.
Laging Binabarubal at ginagapangan.

Hay kay Hirap maging Inday.
Kami ang laging walang buhay,
Inday-Inday na walang malay.
Kung maging bida man laging may umaaway.

Bilang lang sa daliri ang Inday na matagumpay.
Kelan kaya kami sa pedestal mailalagay.
Kami ang mga Inday.
Inday na walang malay!

Photo: Google Image Search Engine. No Copyright Infringement Intended