Oct 31, 2010

QCPD Pulis Hulidap

ANG MGA PULIS QUEZON CITY
Master ng Hulidap

SERVICE HONOR JUSTICE


Ang Audio na ito ay ipinasa sa akin ng isang kakilala, ito ang actual hulidap experience na naidokumento ang audio. Pakinggan kung paano kumana ang mga master ng Hulidap. Ang mga Pulis na ito ay miyembro ng Quezon City Police District Mobile Highway Patrol Group. Nangyari ang insidenteng ito sa bahagi ng 2nd Quarter ng 2010. Hinuli ang dalawang lalaki habang papasakay sa taxi, kasama ang dalawang babae na pinaghihinalaang mga prostitute. Pinakawalan ang dalawang lalaki matapos limasin ng dalawang mokong na pulis ang laman ng kanilang ATM. Humigit kumulang 10,000 pesos ang nakana ng dalawang pulis na ito. Walang balita sa dalawang babae. Ang mga pangalan at iba pang pagkakakilanlan sa dalawang lalaki ay sadyang inalis sa audio upang pangalagaan ang kanilang identity at seguridad. Ito ang malupit na Pulis QCPD..

Lesson: Wag na kasing kumuha o mag-pickup ng mga pokpoks at prostitute bad yun. Baka eto pang dalawang magigiting na hulidap masters ang makasalubong nyo... 

Note: Hindi po ako yung nasa audio, mabait po ako.... Sana mawala sa hanay ng Pulisya ang mga BULOK na kamatis na sumisira sa institusyong ito.. Naniniwala parin ako at hindi parin ako nawawalan ng PAGASA. Mawawala din yang mga yan... Balang Araw.......

COPYRIGHT 2010 Hedel Cruz: Bahay Kwentista 

Oct 30, 2010

PANAWAGAN NG MUSMOS at PAGPUPUGAY SA PAGHIHINTAY





PANAWAGAN NG MUSMOS

Sinulat sa Multiply: Sep 1, '08 1:59 PM

Credits to Google Images

MGA KAIBIGAN. MGA KA-MULTIPLY.
MAY ISANG PABOR SANA AKONG
HIHILINGIN SA INYO.

HINAHANAP KO KASI ANG ISANG DILAG
WALA AKONG LARAWAN NYA.
ANG TANGING NATITIRA AY ALAALA.
PARANG SUNTOK SA BUWAN KUNG TUTUUSIN.
PERO MALUWAG KO ITONG GAGAWIN.

MAKAUSAP LANG AT MALAMAN.
ANG KINAROROONAN NG ISANG MAHAL NA KAIBIGAN.
HULI KAMING NAGKITA.
TATLONG TAON NA MALAMANG ANG HABA.

NASAAN KAYA SIYA.
NASAAN KAYA SIYA.

NAGKITA KAMI SA KOLEHIYO.
ISANG PAYAT NA BINIBINING MEDYO MAY TOYO.
TAWAGAN NAMIN "TOL"
PERO PUSO ATA AY NABULOL.

SA TAPAT NG CHAPEL UNA SIYANG NASILAYAN.
KINAUSAP AT KINABAHAN.
AKALA KO KASI TIPIKAL NA SUPLADA.
YUN PALA MAGALING MAG GITARA

KAIBIGANG TAPAT YUN ANG TURINGAN.
KAYA HINDI NA SINUBUKANG LAMPASAN.
ANG PAG-IBIG NA NARARAMDAMAN.
ITINAGO NALANG SA KAILALIMAN.

HULI KO SIYANG NAKITA.
SA PARADAHAN NG JIP SA SAN SEBASTIAN.
NAKAPILA PAPUNTANG ISTASYON NG CENTRAL.
DUON PAPUNTANG SM PUSO AY GARALGAL.

HINDI KO NASABI SA KANYA NUON.
DINADAMA NG PUSO HANGGANG NGAYON.
SANA HINDI PA HULI ANG LAHAT.

PANGALAN NYA AY TIN-TIN.
APELYIDO AY RIVERA.
NAGMOMODEL MODEL SA HAIR ASIA.
BAKA KILALA NYO SIYA?

HULI KONG BALITA.
PERO HINDI KUMPIRMADO
LUMIPAT DAW SIYA NG ISKWELA.
SA WORLD CITI COLLEGES SA MAY AURORA.
PAPUNTANG CUBAO AT EDSA.

WHERE NA YOU?
SANA NAAALALA MO PA AKO.
YUNG SINGKIT NA MATABANG MUKHANG TANGA.
NGAYON MEDYO MAAYOS AYOS NA.

BALITA KO IKAW AY NAMOMOBLEMA.
GUSTO SANANG DAMAYAN KA.
KAYA NGA NIYAYANG MAGSAYAW 
PARA MAGING ISKOLAR.

PERO IKAW AY NAGLAHO AT AKO AY NAIWAN.
SAAN KA NA.
TOL MISS  NA KITA.
DI MO PA AKO NAKIKITA MAGSAYAW.

DI BALE.
SANA SANA SANA.
DARATING DIN ANG ARAW.


----------------------------------------------------------------------------

PAGPUPUGAY SA PAGHIHINTAY
Sinulat sa Multiply: Sep 2, '08 5:03 PM

Credits to Google Images

Nandito ako sa kabilang panig
Nagaantay na muling marinig
ang mga tinig  na nawala
Sa ibabaw ng aking mundo at ng luha
Sa kabilang panig nagbibilang
ng mga araw sadyang kay tagal
muling pagkikita, nag-aabang
Muling pagsasama, nahihibang
Paano ba hahanapin ang kahapon
Naibaon sa sadlak ng alimuom
Dumidikit sa kailaliman ng ilong
Ang alaalang hindi maitapon
Parang labadang hindi tinuyo
ng sinag ng araw, nakulob
Sa loob ng damdamin nagkukumahog
Naghihikahos, nabuburyong
Minsan pang ibalik, alaala
lagusan ng saya ata kaba
Kelan ka kaya makikita.
Minamahal kong kaibigan. Tol.


Note: Ang dalawang tula ay isinulat taong 2008, para sa minamahal na kaibigang KJIR.
Tol, san ka na..?  Images from Google Image Serach. No Copyright Infringement Intended

Oct 29, 2010

ISOY

Note: Ito ang isa sa mga kumakalat kong gawa. Ginawa ko ito 2007.
Nung magsimula ako magyosi after namin mag break ng Former-GF ko.


ISOY
ni Hedel Cruz


Maraming nagtatanong. 
Ano ba daw ang nakukuha ko sa YOSI.
PORMA?
ASTIG?
COOL TIGNAN?

Simple lang naman. 
Malapit kasi ang PUSO KO SA LUNGS

BAWAT HITHIT
BAWAT BUGA,
TINATAKPANNITO ANG PUSO KO

Binabalutan ng ULAP
ULAP na nagpapamanhid sa damdamin.
Parang ANESTISYA

Sa ganitong paraan
Lahat ng sakit ng PUSO ko nababawasan.

DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MAUNANG MAWASAK 
ANG LUNGS KO 
KESA UNT-UNTING MAMATAY 
SA HAPDING HATID NG PUSO KO

---------------------------------------------------------------------------

Note: ITO NAMAN YUNG EDITED VERSION NA GINAWA KO NUNG PEBRERO 2008


“I-SOY”
Ni Hedel A. Cruz

Napakaraming nagtatanong. Maraming nagtataka.
Kahit ang magulang ko, suko na.
Sa aking bisyo.
Di matigil.

Ano nga daw ba ang nakukuha? Sa hithit at buga.
Sa usok, sa nikotin at mabahong hininga.
Cool? Astig? O Porma ang dala?
May dilaw na ngipin pa.

Kung aking ipagtapat, ang aking tunay na dahilan.
Baka matawa ka lang. Ako ay dagukan.
Tumawag ng pulis.
Ako’y marehab pa.

Simple lang naman ang aking dahilan. Simple lang.
Malapit kasi ang bibig sa ngalangala.
Ang ngalangala sa Lungs.
Ang Lungs sa Puso.

Ang mahaba at payat. Ang maputing kaligayahan
Bawat hithit, dala ay luwag at ligaya
Pula, Puti, kahit Menthol pa.
Hithit. Buga. Sige pa.

Tulad ng isang alapaap na puno ng puting bulak.
Bawat hithit , bawat bawat hinga.
Tinatakpan nito ang Baga.
At Puso ko.

Binabalutan ng ulap. O Ligaya. O anung sarap.
Ulap na nagpapamanhid sa dindama.
Parang Ansestisya.
Manhid na.

Sa ganitong paraan lamang. Sa ganitong sistema.
Lahat ng skit ng Puso ko, nawawala.
Prang tubig sa Disyerto.
Tuyo at Patay.

Lahat ng sakit, lahat ng tinatagong hapdi. Naglaho
Dahil mas gugustuhin ko pa kasi. Oo tama.
Na maunang mawasak ang Baga ko.
Kesa unti-unting mamatay.
Sa sakit ng Puso ko.
-----------------------------------------------------------------------

At Ito naman ang Kumakalat na CELLPHONE TEXT VERSION:


Isang Pamatay na Kadramahan!
Nagtataka aq ang ano ba
nkkuha sa yosi....
porma?
astig?
sbi ng 1 tambay:
cmple lang nmn
lapit kc ang HART sa
LUNGS..
bwat hit2,bwat buga, tntakpan n2 ang puso q., bnabalutan
un ulap... ulap na nagppmanhid sa damdamin....
parang anesthesia... sa gn2ng paraan, lhat ng skit ng puso ko nababawasan.
mas gugustuhin qng maunang mawasak ang baga q....


kesa unti2 aqng mamatay sa hapdi ng nararamdaman ko...
waah... =P ang drama naman!


---------------------------------------------------------------
NOTE: Nung una, syempre hindi na ako nabigla na kumakalat yung mga gawa kong tula. Kasi sa Cellphone ko talaga ito ginawa, at ipinadala sa mga kakilala at mga kaibigan. Hindi na maiiwasan na iforward ito. Pero yung pangalan ko sa dulo nawala na.. At madami pa akong ginawang tula at mga kowts na na edit na at nawala ang pangalan ko bilang may akda. Syempre may bahid ng pag-kaasar sa simula. Na nuon parang ayaw ko na gumawa ng mga kowts at tula. Pero napagisip isip ko. Kasama sa risk yun. Saka sino ba naman ako. kahit naman nandun pangalan ko. Hindi rin naman nila ako kilala. Sino nga ba naman ako isang hamak lang na kwentista. Sa huli, naisip ko rin, hindi naman ako nagsusulat para sumikat. Hindi rin ako nagsusulat para makilala ng tao sa Pinas. Nagsusulat ako dahil gusto ko ito. Gusto kong ilabas ang mga bagay na nasa dulo ng utak ko at kailaliman ng puso ko. E ano ngayon kung wala dun ang pangalan ko. Ginawa ko yun dahil yun ang nais kong iparating sa mundo. Ang ilabas ang nadarama ko. Dapat maging masyaa na ako na sa mga sinple kong tula, may napapasaya akong tao. May nakakarelate sa mga pinagdaraanan ko. Ang tula at mga akda ko ay hindi lang personal na kwento ko, Maaring Kwento mo rin ito, kwento ng ibang tao, kwento ng kaibigan mo. Kaya bakit ko ipagdadamot ito. Saka alam ko naman na gawa ko ito. Hindi ko na kailangan pang patunayan sa mundo. Masaya na ako na naging bahagi ito ng buhay mo... 


Credits to Google Images Search. No Copyright Infringement Intended. 

Oct 28, 2010

Mga Tulang walang Tugma, Mga Akdang Walang Haba

Mga Tulang walang Tugma, Mga Akdang Walang Haba
(Ikalawang koleksyon ng tula mula sa Bahay Kwentista)

TAGAKTAK

Credits to Google Images

Kahit pa maubos ang luha sa mata.
Sususbukan ko parin na magmahal.
Hindi man maging isang perpektong mundo ito
para sa puso ko.
Alam kong magiging maayos ito
para sa ibang tao.
Ano ang kahihinatnan kung mawawala ang pagibig?
Hindi naman nito mapupunuan ang pagkalumbay.

Ayaw kong tumigil magmahal.
Kapag tumigil akong magmahal
Maaaring tumigil narin ang mundo para mahalin ako.
Kung walang tatanggap o may gusto ng
Pagmamahal na ito
Hindi nangangahulugang wala itong
patutunguhan.
Maaaring sa maling tao, o maling bagay,
o sa maling panahon ito nakalaan.

Madaming nangangailangan ng pagmamahal
kaya hindi dapat sayangin ang pagkakataon.
Dahil kapag dumating ang tamang tao
sa tamang panahon.
Bato na ang puso ko.

---------------------------------------------------------------------

BEEP BEEP

Credits to Google Images

Ang buhay ng tao parang Kotse sumasabay sa highway ng mundo.
Matrapik masikip mausok, yan ang mga problema.
Minsan may magoovertake sayo.
At madalas hinde ka makausad dahil may pasan kang mabigat.
Minsan flat ang gulong.

Pero sa karera ng kotse mo.
Wag kang hihinto.
Walang RED light.
Puro Green at Yellow lang.

Dilaw para maalala mong maging mahinahon.

Berde para ipag[patuloy ang mga PANGARAP mo.

Walang RED light.
BAWAL huminto.
Tuloy Tuloy lang ang buhay.

Dahil nagiging RED LIGHT lang ang takbo ng kotse mo.
KAPAG HUMINTO KA NANG MANGARAP>

KAPAG SUMUKO KA NA SA TAKBO AT KARERA MO SA MUNDO.

----------------------------------------------------------------

PIKIT

Credits to Google Images

Pilitin amng ipikit ang matang masakit
dahil sa luha , puso ay nakasabit
sa walang hanggang kawalan
nasa bingit ng pasakit

Hanggang kelan kaya, bago mawawala
talim ng sundang na sa akin ay bumabahala
walang kibo walang dama
pakiramdam ng lahat tayo ay nagiisa

Sino bang hindi, sino ang wala
sa mundong ito tayo ang may sala
sa kasakitan ng iba, sa kalungkutan nila
madalas ang ating kasiyahan ay kamatayan nila

Kamatayan ng diwa, pagagos ng luha
lulan ng ulap sa ating mga hinuha
walang  may alam, walang may diwa
ang kalungkutan ang syang kinuha.

Sino ang makakapagsabi na sya ay masaya
kahit isang sandali, tingin ko ay wala
dahil lahat ng nilalang, kahit masaya
pag dating ng gabi, may luha ang kama

--------------------------------------------------------------------

MGA LAMAN NG PUSO

Credits to Google Images

Madaming makikita sa puso ko.
Dugo, ugat, tubig, laman, tubo, pump,
at kung ano ano pang tinuturo sa
Biology.

Madami ring tao at nilalang.
Kaibigan, kaklase, kasama, pamilya at
mga minamahal.

Ng dami, ang bigat..
hindi mo mabilang...

pero bakit....
kulang parin ang lahat...
May nawawala.

IKAW

----------------------------------------------

LABLAYP CHENES

Credits to Google Images

Ang kulit ng mundo kapag inlove. Lahat ng sandali, parang habang buhay na Lahat ng oras kumikinang, kumukutitap, maganda, maayos, walang katapusang kasiyahan.

Parang pelikula, tipong
John Llyod at Bea.
Parang Fairytale, Snow White at Cinderella
Parang panaginip.
Perpekto Kumbaga.
Kaya naman Pala...................

Tulad ng isang Pelikula
Istorya.
At PAnaginip.........
Sa Huli MAlalalaman mo
LAHAT NG ITO AY HINDE TOTOO. 




Image Credits to google Image Search. No Copyright Infringement Intended

Oct 27, 2010

HINDI AKO PILIPINO

HINDI AKO PILIPINO
ni Hedel A. Cruz


Ako Ay Pilipino.
Dangal ako ng Bayan Ko.
Isang Dakilang Nilalang.
Sa Dulo ng Mundo.

Ako ay Pilipino.
Basurahan ko ang Paligid ko.
Tapon Doon, Tapon Dito.
Malaking Imburnal ang Bayan ko.

Ako Ay Pilipino.
Pasensyoso sa mga bagay na gusto ko.
Sumisingit sa Pila.
Kahit Mag Away Tayo.

Ako ay Pilipino.
Isang Perpektong Tao.
Gusto Ko. Maayos Ang Lahat.
Maliban sa Sarili Ko.

Ako ay Pilipino.
Nagsisilbi sa Bayan ko.
Pero Bago ang Lahat.
Mas mahal ko ang Sarili ko.

Ako ay Pilipino.
Galit sa Corrupt at mga Gago.
Hanggang sa dulo ng Dila.
Duon lang Ang Tapang Ko.

Ako ay Pilipino.
Isang Nilalalang na Matalino.
Palaging Taas Noo.
Hindi Aamin sa Kawalang Hiyaan Ko.

Ako ay Pilipino.
Tinitingala Sa Buong Mundo.
Naalala mo pa ba ang Kasaysayan Ko.
Sikat ang mga Kapalpakan Ko.

Ako Ay Pilipino.
Gusto ko Lahat Perpekto.
Kayat Buong Araw.
Nagiinuman Sa Kanto.

Ako ay Pilipino.
Isang Matapang na Tao.
Sa lahat ng Laban. Walang Inuurungan.
Saksi ang Kalangitan.

Ako ay Pilipino.
Maka Diyos at Relihiyoso.
Kaya nga lahat ng Relihiyon.
Kasalungat ng Paniwala Ko.

Ako Ay Pilipino.
Sa Simbahan Madals ako.
Nagdarasal Nagsisisi.
Madalas din sa Patay Sindi.

Ako ay Pilipino.
Ako ay Masipag at Masigasig.
Kaya nga Sa Ibang Bayan.
Magtratrabaho. Magtatago.

Ako ay Pilipino.
Nagsisispag, Magaral.
Edukasyon Lubos na Pinahahalagahan.
Kaya Madalas  Sa Bilyaran.

Ako ay Pilipino.
Madalas Magreklamo.
Kahirapan sa Pilipinas, Lalim hanggang Impyerno.
Pang Load sa Cellphone. Madami ako.

Ako ay Pilipino.
Masunurin sa Batas Trapiko.
Susunod pag may pulis sa Kanto.
Pero Kung makakalusot, beat the red light ako.

Ako ay Pilipino.
Naghahanap Buhay ng Totoo.
Kayod dito, kayod duon.
Kapag Kinsenas. Tangan baril at Patalim ko.

Ako ay Pilipino.
Matipid at Masinop.
Nagiimpok para sa Kinabukasan.
Pagdating sa Inuman, pera ay Ubusan.

Ako ay Pilipino.
Dangal ako ng Bayan Ko.
Isang Dakilang Nilalang.
Sa Dulo ng Mundo.

Ikaw ba ay Pilipino?
Isa sa mga nabanggit Ko?
Nais mo bang maging ganito?
Isang Tunay na Pilipino.

Hindi ako Pilipino.
Kung ako ay ang nabanggit ko.
Hindi sapat na maging isa lamang Pilipino.
Kundi isang Tunay at Dakila sa Bayan Mo.

Kung ang Pilipino ay ang mga katulad nito
Hindi ako tunay na Pilipino.
Dahil ang tunay na Pilipino ay May Dangal
At Pagmamahal sa Bansang Pilipinas.

Ikaw katulad ka ba ng ganitong Pilipino
Tara na , tumindig at magbago
Ipakilala ang sarili sa mundo.
Ako ay Tunay na Pilipino.. 


Credits to Google Image Search No Copyright Infringement Intended

Oct 22, 2010

Mendiola Moment

ANG AKING MGA MINAMAHAL 
NA KOLEHIYO


Siguro hindi na lingid sa inyo na ako ay nag-aral dun sa kulay pink na skul sa may Mendiola sa Maynila. Yung dating all girls skul na ngayon for the boys narin, at ayos dahil mas madami parin ang babae.. Dami chicks.. Oo dun nga. sa skul sa tabi ng estatwa ni Chino Roces, yung lageng walang pasok kapag may mga salot na nagrarally. Dun malapit sa St. Jude kung saan ang takbuhan ng mga bumabagsak at nawawalan ng wagas PAG-ASA. Tama, dun sa skul na ang mascot ay isang Scorpion. Pink Scorpion. Na sa totoo lang ay mukha talagang ipis yung mascot na yun.Tama, kung naiisip mo na kung anu yun... Malapit ka na... Basta malapit yung sa Malacañang. Tapos magagaling at lage nasa top ang dentistry, med tech, mursing, opto at kung anu anu pang science course sa mga Board Exams.. Basta yun... At eto ang naging buhay ko dun (hindi yung mga alak na makikita nyo sa video), masaya dito. Dito ako unang nagka-gelpren, unang nabigo, unang nangarap kumanta, sumayaw, at maging performer sa teatro. Dami kong nakilalang astig na tao at mga super ASTIG na mga guro.. Ilang beses din akong nagpalipat lipat ng kurso. Una sa Management (AMT) tapos naging Journalism, then Broadcasting. Natuto akong sumayaw. Madaming nakilalang Mananayaw, Manong Guard, Yosi vendor. Pokpokers sa kanto (tsismis lang yun, pero madami talaga haha) Dahil sa iskul na ito naranasan kong mag dorm, nakilala ang room mate na payat.. nagkaroom mate na babae, bakla, payat at higit sa lahat SEXY. Ang dami ko alaalang masaya dito. Meron ding malulungkot syempre. Pero sa videong makikita nyo, madami akong kasiyahan dyan.. Medyo wagas na ng kaunti ang mga ngiti at kisap ng mata. 

NOTE: Salamat kay Melody Marigondon at sa Fourleaf Clover para sa Musika. At alam kong madami chicks kayong makikita sa video. Wag nyo na tanungin pangalan at number nila. SELFISH AKO... hahaha

Oct 21, 2010

Baby Saying Ba-Ba-Ba

Ang Aking Cute na Cute na Pamangkin.


Eto nangyayari kapag ginugutom ang bata.. Nagdedeliryo.. 
Kung Ano- ANo Sinasabi... Hehehe
ANG CUTE CUTE!!!! 
Lumaki ka na agad.. Para tuturuan kita Mang-Chicks.
At magbi-BIKE tayo sa mausok na Metro Manila.. :) 

Oct 16, 2010

JEJEMON EVOLUTION

JEJEMON JEJEMON SAAN KA NAGMULA?


JEJEMON GIRL

Anak ng Mahabaging Kalabaw. Hindi ko alam kung matatawa ako dito o masusuka?

Ano sa Tingin nyo? Masyado na bang malala ito?. Buti nalang at dumating si BEKIMON. At kahit papaano medyo nawala ang atensyon natin sa mga katulad nila. Hindi ba kayo nagtataka? Parang parehas lang ang mga Emo, Skwater Rapper, mga Gang gang sa Kanto at looban, saka ang Mga jejemon. Pati sa pananamit , pagkilos at pagsasasalita. Parang patuloy lang silang nag-eevolve. Naghahanap at sumisiksik sa kung anu ang uso. 

Mapunta tayo sa tanong na, Sino kaya ang nag-pauso ng term na JEJEMON? Sa totoo lang matagal tagal ko naring naeencounter ang mga jejemon. lalo na yung word na "jejejejeje" karaniwan ginagamit sa hulihan ng text, para ipakita ang pagtawa o "hehehehe" pero ayon sa ilang kilala ko, hindi naman sadya na jejejeje ang ginagamit nila. Sadya lang daw silang tamad. Kayat imbis na  dalawang pindot ang gawin para matype ang letrang "H" ay ang letrang "J" nalang ang ginagamit nila. Nung nagsimula nang kumalat ang jejemon. Tinigilan na nila ito para hindi maiiugnay sa Hardcore jejemon. Hindi ko talaga maintindihan kung anu ang sense ng jejemon. Sa pagtype at sa pagsasalita. (marahil kasalanan ito ng mga telecom providers, kung walang unli, hindi maglalakas ng loob ang mga jejemon para pa-artehin at gawin ang kung anu-anu pang shit sa pagtataype, dahil titipirin nila ang load at iiklian ang text). May kilala ba kayong Mayaman o Kahit middle class na Jejemon? Parang wala pa. Hindi sa Iniuugnay ko sa kahirapan at mga Class D E F G H I Jejejeje ang pagiging isang Jejejemon. Hindi ko sinasabing mahihirap na pinoy lang ang umaasta at nagpapapansin bilang Jejejemon. Nagtataka lang ako, Bakit pag maganda at mayaman ang umastang jejejemon ay Cute Tignan? pero kapag Urban Poor, eh parang nakaka-asiwa? (any answers?)


Mabalik tayo dun sa observation ko. Yung pananamit at pananalita ng mga jejemon ngayon. Diba matagal na natin itong nakikita? Matagal na matagal na matagal na, bago pa man mauso ang term na ito. Diba? Tama Ba? Sila yung mga tipong laman ng looban, yung medyo punk na emo. Yung rapper na maluwag damit at may cap.  Pero ngayon syempre medyo nag-evlove sila. Parang Hybrid lang.. Ayan sa gilid yung mga tao sa looban/(hindi ka na makakalabas ng buhay) look.  Ano sa tingin nyo? wag nyo na tignan. Makuha kayo sa Tingin. Gusto mong turukan ka nyan sa tagiliran?

At eto naman yung Emo look.  Di ko alam kung ang pagkakaiba nila sa emo eh yung BANGS. Baka dapat bago ka sumapi sa Jejemon Tribe eh wala kang bangs. Pero technically halos pareho din sila ng pananamit. Maliban nalang sa pagiging makulay ng panananamit ng mga jejemon. Angas ni kuya oh. May scarf pa. Para sa marami, siguro  kaya nauso ang Jejecap (yung tipical na head cap) ay para dual purpose. Pwede ka maging jejemon. Basta itatago mo yung Bangs mo sa sumbrero. pag feel mo na ulet maglaslas ng blade at makipagsiksikan sa octoberfest o Tanduay rockfest o kahit anu pang moshpit at body slam jan. Alisin mo lang yung cap tapos magsuot ka ng itim. Ayos na!


At syempre eto naman yung gangster look. o Yung sinasabi nilang GANGZTAH.  Pansinin na lamang ang paraan sa pagsulat ng salitang Gangster na naging "Gangztah". (ano sa tingin nyo? looks like jejemon?) Pansinin din ang pananamit nila at mga senyales gamit ang mga kamay. Tulad ng "Looban Look" na nasa taas. Kagaya din ng "Emo" look mahilig sila sa hand gestures. Mapa-peace sign man ito o middle finger. o kunwari telepono na nagsasabing call me na naka horizontal. Hindi rin mawawala sa kanilang arsenal, este get-up ang bandana, panyo o scarf.




At syempre eto ang Jejemon Look. Malaki ang pagkakaparehas ng aking mga nabanggit tama ba? Makikita ang malaking similarities. Mapapansin din, tulad ng nabanggit ko na kanina, na karamihan sa mga grupong ito ay part ng Class D at Class E group ng society. Don't get me wrong. I have nothing against them. Gusto ko lang himayin ang mga sirkumtansya kung bakit nagsimulang nauso ang Jejemon. Given na yung fact na matagal na ang Looban Look. Mula p[a ng umusbong at dumami ang mga tao sa Maynila. Kung saan sinakop ng mayayaman ang mga magagandang lugar. At ang mga uri ng magsasaka at mga promdi na nakipagsapalaran sa magulong mundo ay  naipon sa isang masikip na lugar, malayo sa mayayaman at pinagiinitan. Natuto silang gumawa ng sariling mundo, sariling pagkakakilanlan. Nagsimula naring sumikat ang Tondo. Noon hindi pa Gang ang tawag dito.. Simpleng mga tao sa looban na ang tingin ng marami ay salot sa lipunan. Naging mailap sila. At dahil nga sa pagmamata ng Bayan natutong tumayo at maging matapang.


Given narin na iba ang pananaw at ketegorya pag sinabing pangkat. Pangkat pangkat. Base sa probinsya o bayan na pinagmulan. Wala pang gangstah noon. kaya ang labanan teritoryo teritoryo at ang pinanggalingan mo. Hindi pa, at malauo sa Gangster ang pamantayan noon. Nauso ang "Gangster Look" dala narin ng makabagong panahon at ng Hollywood television. Kung sa Amerika ang gangstah puno ng alahas at may pagka Godfather the Movie ang tema. Dito sa Pinas. Iba. Ibang Iba. Diti na nagsimula ang labanan sa teritoryo at labanan para sa chicks. Maluluwag na damit at mga pekeng bakal na kwintas at mga singsing sa katawan. Kung noon base sa pinangalingang pangkat o probinsya na pinagmulan ang basis ng pangkat, pati narin ang paglaban para sa kaligtasan. Ang gangster o gangztah na kabataan ngayon, nagsisimula ang labanan sa masamang titigan, sa chicks at kelot na sinisinta at sa padamihan ng grupo. Sino ang mas madami, Mas magaling at panalo.



Para sa mga Emo naman. Obvious na sa Punk at Metal Rock ang Origin nito. Nagsimula nalang sumikat ng nadagdagan pa ng mga genre na makalaslas pulso at makahagulgol sa gabing mga kanta. eyeliner at mga bangs na may kulay. isama mo narin jan ang adventurismo at kagustuhang maging kakaiba ng mga kabataan ngayon. Isang panaghoy na nagsasabing Im Different, Look at ME.


At sa Jejemon. Tulad nga ng nabanggit ko kanina, wala akong sama ng loob sa mga ito o anu mang grupong aking nabanggit. Hindi ko ginawa ang blog na ito upang sila ay pagtawanan o libakin. Ang totoo ang bawat grupong nabanggit ay iisa lang ang pinaparating sa atin. Ang ebulusyong ito, na hindi naman mahirap makita na iisa lang ang pinagmulan. Ito ay manipestasyon lamang ng mga bagay o mga pangyayaring nagpapakita sa atin ng mga hinaing ng mga Pilipinong marahil ay nakalimutan na ng lipunan. Sa tingin ko, mas malalim pa sa dahilang KSP o gusto nila magpapansin kaya sila ganito. Ito ay naguugat way way back before. Ang pagiging Looban Look, Emo Look, Gangstah Look at Jejemon Look, ay nagsasabi lang sa atin na, dahil sa kahirapan at sa matinding pagaalipusta ng kapwa Pilipino sa class ng society na ito ang naguudyok para sa karamihan, sa mga kabataan para gumawa ng sariling mundo. Isang Mundo na alam nilang tanggap sila. Isang mundong alam nilang proprotekta sa kanila. Isang Mundong makakaintindi sa pinagdadaanan nila at sa mga panaghoy nila sa gabi. Marahil mas sikat ang mga grupong nabanggit sa ating mga pandinig, dahil araw araw natin silang nakikita sa balita, maga balitang tulad ng rambulan, saksakan, patayan, gang rape, drugs, marijuana at kung anu anu pa. Pero isipin natin, hindi lang ang Class D at E ang gumagawa ng katarantaduhan sa Pinas. Kahit ang mga mayayaman o middle class na Pinoy. Yun nga lang pag mayaman ka, madalas abswelto ka. Dahil sa galing ng mga abudago nila at sa dami ng kanilang pera. Pero hindi ba't parang napaka dali sa ating mang husga at parang natural na sa atin kapag mga ganitong kabataan ang mga nasasangkot?


Isa lang naman ang problema. Pero madami ang solusyon. Ang Problema, nawawala na sa tamang landas ang karamihan sa ating mga kabataan. Kahat madali silang nahahatak sa mga bagay na uso at mga bagay na magbibigay sa kanila ng kapanatagan. Ito man ay kapatanagan sa seguridad, dala ng kanilang gang. Kapanatagan para mapansin, sa kanilang mga mananamit at pananalita o kapanatagan na may makakaintindi sa kanila. Ang solusyon tamang pag-gabay ng magulang at ng paaralan. Ang maigting na pagtutok ng sambayanan. Upang maramdaman ng ating kapwa Pilipino, lalo na ng ating mga kabataan na hindi sila OUTCAST at minamata dahil sa estado ng kanilang pamumuhay. Para hindi sila maghanap at gumawa ng sariling mundo. Mundong Akala nila ay Panatag sila at naiintindihan sila. Ngunit sa huli ay IKAKASAMA pala nila. Madalas pinagtatawanan natin sila, madalas nilalayuan. Madalas ang tingin salot sa Lipunan. Lahat ng ito ay dahil hindi natin sila maintindihan. Paano kaya kung hindi lang natin subukang intindihin, mas maganda kung atin din itong SOLUSYUNAN gamit ang Pang-unawa at EDUKASYON. 


Credits to Google Image Search. No COPYRIGHT INFRINGEMENT. Intended